Wednesday, May 20, 2009

The Katrina Halili Scandal

Alam nyo, naaawa ako sa nangyari kay Katrina. Buti nalang at walang nagnanasang mag video sa kin. Buti nalang hindi ako payat.

At least ang pag gain ko ng weight may benepisyo naman sa buhay. Kahit kunan ako ng sex video ay walang bibili dahil hindi ako telegenic ngayon.

Anyway, balik kay Katrina. Marami siguro syang reason kung bakit nagkaroon ng video (hindi ko pa napapanood ito). Una ay baka hindi nya alam, at kung alam man nya eh, baka nabola siya ni Hayden. Shocked talaga ang mga Pinoy kasi ngayon lang sila naka encounter ng isang doctor na medyo may pagka freaky side.

Wala na akong maisulat. Siguro kailangan ko munang panoorin ito. Pero conflicted ako kasi nga naaawa ako kay Katrina. Baka hindi ko nalang panoorin?

Wednesday, April 29, 2009

Embarassing Moment

Nakatanga ako kanina habang hinihintay ko dumating yung libring lunch ko nung maalala ko ang mga panahon kung kelan ay totoy pa lamang ako at hindi malakas ang loob na ipakita ang mga mala-pussycat doll kong galaw. Akala nung mga kaklase ko non ay pinaglihi ako sa istatwa ni Jose Abad Santos sa rotonda sa Guagua kung saan ako lumaki.

Ang eskwelahan namin noon ay Sacred Heart ang pangalan. Noong mga panahon na yon ay puro mga babae lang kami sa eskwelahan. Iisang teacher na lalake lang ang naging teacher ko sa buong panahon na nandoon ako. Lalake, pero duda ako na babae din sya. Mas mahaba pa kasi ang buhok nya sa akin, with matching pigtails at slim na katawan. Later on pala e sasali sya sa miss gay beauty pageant sa Mabalacat. Hello Mr. Joebee.

Teka, mukhang lumihis ako sa topic.

Minumura ako parati noon ni Mr. Joebee, kasi hindi ako marunong sumayaw. Marunong ako, kaso nakakahiya. Ayaw ko nga ipakita ang mga mala-pussycat doll kong galaw eh, pero sa totoo lang, magaling ako sumayaw. Napili nga ako noong college na makipag inter-collegiate nang ballroom eh. Hiyang-hiya lang talaga ako noong highschool kasi nakakahiya naman talaga ang mga pinapagawang sayaw ni Joebee samin, kasi may mga choreography na parang magiging taong tsunami kaming mga magkakaklase. Hindi ko talaga maintindihan.

Pagdating ng foundation day, kailangan na naman sumayaw ng buong klase. Naisipan ng teacher ko na ipasayaw sa amin ang sports na volleyball.

My god, interpretative.

Tapos ang music pa namin ay "selfish".

Kunwari eh nagva-volleyball kami sa hangin.

Ang gara.

May mga costumes pa kami na puting shorts at blue t-shirts.

May crucial role pa nga ako noon. Dahil mahilig akong manggaya ng mga gymnasts noong bata pa ako, marunong akong mag spilt, kaya nila ako pina split. Pero hindi ko alam na may "bisita" o red flag pala ako noon. May tagos.

Nabigla ang mga ka schoolmates ko.

Akala nila dinugo ako dahil hindi na ko virgin.

Hindi naman kasi nakaka de-virginize ang pagsi-split, pero hindi nila alam yon noon.

At dyan nagtatapos ang kahihiyan ko.

Salamat sa pagbabasa.

Monday, April 27, 2009

The Adventures of Vilma the Diega, Part 1

To review, sa dictionary namin, ibig sabihin ng "diega" ay katulong. Kaya Vilma the Diega kasi ang diega namin ay si Vilma, ayun sya sa baba:


Vilma is from a faraway land in Bicol.

Anyway, nakakatawa yung isang encounter namin sa kanya. Syempre bilang Diega, trabaho niya ang tumulong sa pananatiling malinis at maayos ng bahay namin. Kasama na doon ang kung ano anong paglalaba at pag plantsa, all around kasi ang diega namin dahil hindi naman namin gustong kumuha ng yaya.

Minsan bumili kami ng hubby ko ng shoe rack, para maayos yung nasa kabilang room. So my husband asked our diega to help sa pago-organize nung mga shoes sa shoe rack. Sabi nung si Vilma, "Eh kayo lang naman ang nagkakalat dito eh."

*cue the indiana jones music*

At dyan po nagtatapos ang the adventures of vilma the diega part 1.

Friday, April 24, 2009

Para Saan?

Iniisip ko naman ngayon ay kung bakit may buhok tayo sa ibang parte ng katawan na ayaw naman nating magka buhok, for instance sa legs. Ayaw ko nang buhok sa legs ko. Inaahit o winawax ko ito paalis. Ganoon din ang problema ko sa kili kili at sa aking nether regions

Ang hirap maging balbon.

Thursday, April 23, 2009

Meron akong Twitter

Hindi ko alam kung bakit ba nag sign up ako for twitter (dahil siguro uso sa mga artistang amerikano?) pero nag sign up ako. Ano ba ang point nito? Pwede kang mag update sa mga kaibigan mo, kung ano ang ginagawa mo sa moment na yon. Hindi naman ako artista para magbalita kung ano ang mga ginagawa ko, pero ginagawa ko parin ito kasi baka sakaling may maawa sa akin at mag reply o mag "follow" man lamang. 2 palang nga ang followers ko eh, yung isa naawa pa sa akin kaya nya ko ginawang friend. Well at least diba. Kesa naman sa walang friends. Mahirap ang walang friends.

Hindi kasing super bongga ng twitter ang facebook o friendster, hindi ka pwede mag upload nang sangkaterbang letrato, pero pwede kang magbigay ng update. Sa palagay ko nga magagamit ito sa trabaho namin eh. Kesa sa harapin mo yung kausap mo o tawagin sa telepono, pwede nalang niyang basahin ang twitter page mo para tingnan kung ginagawa o natapos mo na ba yung pinapagawa nya sa yo. Pwedeng pwede itong gamitin ng boss ko para i-monitor ang mga memos for the mancom, excom at board na ipinagagawa nya sa marketing, customer service, corplan at sa tourism namin. Ang kailangan lang nyang gawin ay basahin ang mga twitter page ng account officers at voila, alam na nya ang status.

Pwede rin syang gumawa ng twitter page nya para doon mag report nang kung ano ano sa mga boss nya o kahit kanino.

Ang ganda diba? HANEP! May screenshot ako dito (batambata pa ako sa letrato kong yan)


Feeling ko talaga sikat na sikat na ako dahil sa twitter. Biruin nyo, nag rereply ako sa mga "tweets" ng mga artista sa hollywood. Kahit hindi nila ako pinapansin at least nakiki-saw saw ako sa mga ipino post nila. Alam ko nakakahiya, lalo na may letrato pa akong naka-upload sa twitter page ko, pero KEBS! Feeling ko sikat ako.

Tuesday, April 21, 2009

New Photos of my Daughter

Ang ganda ng anak ko. Kahit ang panget ko ngayon, sulit naman. Super beautiful ang baby ko!

Ang sarap ng cerelac!



Bikini baby

Ang ganda talaga ni Kylie

Gusto ko nanaman pagupit ng buhok

Feeling ko lately hindi ako maganda. Mataba na ako, wala pang ka arte arte ang buhok ko. Parang gusto kong ipa-cellopane para maging itim na lahat. Too bad, wala lang akong time, pero gusto ko talaga. Tapos gusto kong pagupit nung katulad kay Camilla Belle sa movie na "When A Stranger Calls". Eto yun:


At actually, gusto ko rin yung buhok ni Rachel Ray. Kaya lang hindi ako sure kung maitatali ko ang buhok ko kung ganoon ka short. Alam nyo na de-depress din ako kasi hindi na ko katulad ng dati. Dati ang haba ng hair ko, ngayon I'm so panget. I have short hair and I'm 20 lbs heavier. I don't think I'll lose this weight soon dahil hindi naman ako pwedeng mag exercise pa. Basta nakakalungkot. Tinatanong ko nga yung asawa ko kung hindi ba sya disappointed, WALA NA YUNG BABAENG PINAKASALAN NIYA, promise.


I'm so sad.

Friday, April 17, 2009

Award Giving Body

Actually, 8 years na ko sa company. Pero ung first three years ko were not counted because naka detail lang ako...

Nagpakita parin ako sa mga press kahit pinagkaguluhan nila yung katabaan ko. Bahala na sila. Tawanan nila ako if they like. Whatever whatever whatever!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! BASTA!

Moment ko yon!

Amygdala on GVFM 99.1

My brother Paolo (the tallest one, rightmost) and their band AMYGDALA was on GVFM last night doing interviews. The show was a 2-hour show and featured not only the interview, but also live acoustic performances from them.

They performed 5 songs (4 originals, 1 remake). It was awesome. I was truly beaming with pride. I'll post their performances here as soon as I get a recording of their interview/performance. My favorite performance was "You Got Me" and "Love Song". They were also made to compose 3 songs on the spot. All songs were hot. Loved it.




The entire band did very well. My brother's the vocalist by the way.



They're featured in the rockapampangan album where they did the rock version of Aldo Ning Kekeng Kasal.
Buy it. Its great!

GRABEEE! Part 2

Ayoko nang lumabas!

Puro nalang "ang taba mo" ang naririnig ko. Hindi nila alam nasasaktan din ako. May damdamin naman ako kahit papaano diba. Atsaka kapapanganak ko lang naman. Mas mataba naman ako nung nanganak ako kesa ngayon. Pero parang wala din.

Nakakainis ang ganyan. Bakit ba concerned na concerned sila sa katawan ko? Hindi ba sila masaya na mas payat sila sa kin? Dapat nga pasalamat sila, kung di ako mataba, hindi sila magmumukhang payat! Hahaha. Alam ko super payat ako dati, pero hindi naman ako dabiana para okrayin nila ako ng todo todo. Masakit din kasi sa damdamin ko iyon. Lalo na hindi ko naman mga ka close talaga ang nang-ookray sa akin.

Eto rin ang dahilan kung bakit ayaw kong mag attend ng flag raising at iba pang gathering sa work. Kasi naman puro yun nalang naririnig ko.

Kahapon nga, yung isang taga-HRD, binati ko na nga na ang sexy nya. Alam mo ba ang ganti eh sabihing mataba ako. Pinuri ko na nga binastos pa ko. Tapos pinoint out pa nya sa mga kasamahan nyang bago na dati kaming parang beauty queen. Kailangan pa bang gawin yon? Wala naman akong ginagawa sa kanila na masama o masakit pero insulto talaga ang napapala ko.

Wag kayo mag-alala. Next year skeleton nalang ang matitira sa kin.

Thursday, April 16, 2009

GRABEEEEE

Ang hirap talaga ng bagong panganak. Alam nyo, lahat nalang ng masalubong ko sinasabi tumaba ako. Siguro dapat na akong magpapayat. Plano ko nga i-post ang weight ko dito weekly eh. Challenge kumbaga.

Kahit saan kasi ako pumunta puro, "tumaba ka", ang naririnig ko. Iba iba pa nga ang way nila ng pagsabi eh. May nag gegesture na pabilog sa mukha. May nagsasabi ng diretsong, "tumaba ka". May nagsasabing, "parang tumaba ka yata."

Gusto kong sabihin sa kanilang lahat, "Patawarin nyo ko!"

Sabi nga ng boss ko sa Pilipinas lang daw ganyan. Sa America daw ni sa panaginip ng mga amerikano hindi nila sasabihin sa mukha mo na, "You look fat" o "you gained weight". Kasi nga masakit sa damdamin yong sabihan sa mukha mo ng ganun. Kasi naman hindi na kailangang sabihin ang obvious. Do not state the obvious ika nga.

May valid reasons naman ako kung bakit hindi pa ko pumapayat eh:

1. Una sa lahat Caesarian ako, hindi daw ako pwedeng mag work out for at least one year sabi ng OB Gyne ko. Tinry ko ngang tumakbo pero sumasakit yung tahi ko. Syempre hindi na muna ako tatakbo diba.

2. Bawal din mag buhat.

3. Kapapanganak ko lang nung November. 5 buwan palang. Natural malaki pa ang tiyan ko.

Hay nako. Di bale, papayat din ako. Makikita nalang nila bongga na ako, pero baka next year pa liliit yung tiyan ko dahil hindi naman ako pwedeng mag sit ups. Yung tahi ko baka mapunit punit. Ibang gastos nanaman yon.

Friday, February 27, 2009

Kylie March 2009 Calendar

I love my kid. I love seeing her everywhere!



Gagawin kong gallery ng mga letrato ni Kylie ang opisina namin!

Wednesday, February 25, 2009

Di Hamak na Mas Maganda ang Bunga


Ako yung nasa left, si Kylie yung nasa right.

Mga Balak

Siguro hindi lang sakin nangyayari yung bang magpa-plano ako ng napakarami, tapos mababale-wala lang dahil sa pagbago ang ihip ng hangin. Siguro mas maganda kung hindi detalyado ang plano, o kaya eh framework nalang ang planuhin, o kaya eh wag nalang magplano.

Sa kumpanya namin, ilang buwan na silang nagpe-prepare para sa strategic planning namin. Preliminary palang yun, yun talagang strategic planning sa Lunes at Martes na. May kaibigan naman ako, sa December ba ang kasal niya, pero ngayon palang mega preparations na sila nung fiancee niya. Sabagay, mas maganda ang handa diba. Pero hindi mo naman mapaghahandaan lahat eh. Paano yun?

Yung isang tita ko nga, 43 na. Palapit na sa menopausal stage. Pero kahapon lang nabalitaan ko buntis pala sya, tatlong buwan! Nabuntis sya nung nanganak ako? Gosh... Na-inggit ata kay Kylie kaya niyayang gumawa yung asawa nya. Hahaha. Yun hindi planado yun. Biglaan talaga.

Siguro hindi mo naman mapa plano lahat, kasi hindi mo naman controlled ang mangyayari sa mundo. Sabi nga nung dati kong boss na si Pato Gregorio na kapatid ni coach Ryan at ngayon ay nasa Smart na, sa buhay, 10% lang out of a hundred ang kontrolado mo. Yung 90% hindi mo kontrolado yun. So dun ka nalang sa 10% mag focus. Yung 10% na yun, yun ang magiging reaction mo sa mga darating na kung ano ano sa buhay. Tulad nung nalaman kong wala na akong pera sa wallet, uminit ng konti ang ulo ko pero hindi ako nagwala. *Lolz*

Monday, February 23, 2009

ARGGGGGGGHHHHHHHHHH!

Nakaka-inis din ang utak kung minsan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para ma console ko ang sarili ko. Namo mroblema parin ako kahit sinabi sa akin ng asawa ko na wag mamroblema. Bakit kaya ang gulo ng isip ko?

Sabagay, sino ba naman babae ang hindi magulo ang isip? Hahaha.

Ayos lang nga ng buhok ang hirap desisyunan. Pati damit kung minsan 50 years bago namin maisip kung ano ang isusuot namin.

Meron din mga pagkakataon na mahirap kami intindihin. Tulad nung asawa ko, naiinis na sa kin kasi alam ko naman daw ang paraan kung papaano pumayat, bakit hindi ko daw ginagawa, puro nalang ako reklamo. Kaya ngayon hindi nalang ako nag rereklamo. Tinanggap ko na ang katotohanan na, hindi muna ako papayat. Ayaw ko kasi tumigil sa kaka-kain. Atsaka sandali lang ang buhay. Baka bukas dedo na ako hindi pa ako naka kain ng gusto ko. At least kung ma dedo ako busog na ko fulfilled pa yung mga cravings ko.

Nakakainis din naman ang mga lalake. Hindi nila naiintindihan ang pakiramdam ng pagiging nanay. Kung minsan wari nila eh yung mga worries mo walang basis. Siguro nga wala, pero hindi pwedeng hindi ka mag worry dahil nanay ka. Mahirap talaga intindihin, pero wala silang choice kasi ganun talaga ang mga nanay. Ibang klaseng panic ang nananalaytay sa aming laman. Ayoko naman maging sobrang relaxed. Mas gusto ko na yung ganito, kasi ganito ako nakakaisip ng mga future plans, pero nakakapagod din mag isip. Kung minsan nga nagwi-wish ako, sana computer nalang ako. Buti pa ang computer, may "shut down" ang CPU, utak ng tao wala. Pati sa pagtulog napapanaginipan ko kung minsan yung mga worries ko. Naiisip ko tuloy na uminom ng maraming pampatulog kung minsan, pero baka ma dedo ako. Ayoko naman ma dedo na hindi pa nakaka-punta sa Gray's Papaya sa New York. Mukhang masarap yung hot dog sandwich nila doon.

Napanood ko kasi sa Discovery Travel and Living. Inggit na inggit ako sa kumakain ng hotdog sandwich doon. Atsaka meron pa kong gustong puntahan, yung Serendipity. Sa New York din yon. Hanggang hindi ko nakakain yung cold hot chocolate don hindi ako mamamatay, promise.

My New Look

Nabanggit ko last week na ipagugupit ko yung buhok ko. Eto ang resulta:


Hahaha

Thursday, February 19, 2009

Do it... Do it!

Isang malaking challenge na hinaharap namin mga babae ang pagpapa-gupit ng buhok. Buti pa ang mga lalake, madali lang para sa kanila ang magpa igsi ng buhok, mag pa kalbo, o kaya undercut. Gusto ko nga pa undercut eh. Ang tagal kasing i blow dry ng buhok ko. Wala na kasing oras. Hindi naman ako pwedeng hindi mag shampoo. Hindi naman ako naka dreads eh.

Mamayang konti pupunta ako sa SM, lunch break naman yon, at ipapa-bawas ko ang haba ng buhok ko. Ang hirap hirap hirap hirap kasing patuyuin. Nagbo-blow dry ako ng buhok ng mga 20 minutes every day. Isipin mo. 20 minutes din yon. Kung i mumultiply natin ng 365 days eh 7,300 minutes akong nag bo-blow dry sa isang taon. Sabihin na nating since 15 years old ako eh nagbo blow dry na ako ng buhok, ibig sabihin 87,600 minutes na sa buhay ko ang nawala dahil sa pagbo blow dry ng buhok. Ang kapal kasi ng buhok ko. Siguro kung tatanggalin lahat ng buhok ko at gagawing wig, kakasya ito sa beinteng Jaime Fabregas. Ganon siya kakapal.

Kaya ngayon, ang dilemma ko, hindi ko alam kung ano'ng istilo ang pagagawa ko. Mohawk ba? Rhea Santos? Natalie Portman (V for Vendetta: KALBO)? o gagayahin ko ang buhok ni Rihanna dun sa Umbrella ella ella video nya? Ipa undercut ko kaya para mabawas ang kapal?

O sya, pag iisipan ko muna.

Kwentong ASAWAHAN

Siguro ang pinakamahirap na masarap na pangyayari sa buhay ang pag-aasawa. Maraming maganda ang dulot nito. Tulad nung anak ko. Wow, kaygandang bata. Mana sa nanay. Maraming challenges din.

Kung ....

.....teka na out of isip ako. Pumatay ako ng maraming tamumo, mga 20+ (mga bee-lets.... kamukha nung bee sa singing bee at mukhang kamag-anak sila nang pinag-orderan namin ng lunch na si JOLLIBEE). Galing sila sa kabilang building. May sinundan na empleyado ata papunta sa building namin. Nagdadala kasi ng mangga. Ibebenta sa mga ka-opisina namin. Nasa labas lang sila, inaabangan yung mga mangga na naka stock ngayon sa pantry namin. Hundreds, grabe parang fear factor. Tapos, nung nakita nung iba yung bintana namin na may siwang, nag grab sila ng opportunity, pumasok sila sa office! Naamoy ang masarap na mangga!
Ang dami nila grabe. Winarak ko sila sa pamamagitan ng walis tingting. (Akala nyo para sa pagwawalis din yon? Pwede rin murder weapon! )
Join forces kami ni Julie (ang aming utility woman na palagay ko mas magaling pa kesa sa ibang regular employees dito) sa pagpatay ng mga pinsan ni Jollibee. Ang murder weapon naman nya yung mga mapa nang Sacobia (Clark: The Next Frontier) ni boss ko. Pero may mga natira pa sa taas ng bintana. Hindi ko abot kasi masyadong mataas. Ayaw nilang bumaba, baka inaabangan yung boss namin. Hindi nila alam bukas pa sya babalik. May board meeting sya noh. Hello!!!!

(Hayun sila sa taas!)


Tuloy natin ang kwentong asawahan.

Kung hindi ka ready sa pag-aasawa, baka mapatay mo yung asawa mo. Kaming mag-asawa ok naman, pero kung minsan may mga times din na gusto namin sakalin ang isa't isa, tulad last week. Ayaw ko nang mag elaborate dahil tapos na, atsaka mahabang kwento yon. Ibang araw nalang ako mag kukwento tungkol doon.

Dapat pag nag-asawa ka ready ka. Maraming adjustment kasi yon. Una'ng una yung usapang pera. May kilala nga ako, gusto nyang magtayo ng lotto outlet muna bago sya mag-asawa. Para may extrang pera ba. Pero gusto nyang mag-asawa sa 2012. Eh pano yun, sabi ko sa kanya. Sabi ng mga Mayan (yung extinct na tribo sa Peru ata I think...Sorry di ako ganon kadalas manood ng Discovery. Pero napanood ko yung APOCALYPTO) hanggang 2012 nalang ang mundo. Kasi daw yung ginawang kalendaryo ng mga Mayan hanggang 2012 lang. Hindi naman ako sigurado kung talagang hanggang dun nalang ang buhay ng mundo (wag naman sana), o baka naubusan lang sila ng masusulatan, o baka na sakop na sila ng mga Kastila.

Talagang mga kastilang yan.

Anyways, sideways, my way.... Tama rin naman yung kaibigan ko. Dapat talaga pag nag-asawa ka marami kang pera. As much as possible nga dapat may kanya kanya kayong source of income para pag gusto mong bumili ng napkin ay hindi ka na hihingi sa asawa mo ng pambili. Atsaka para mabili mo yung gusto mo. Tulad ko. Kabibili ko ng mangga. 3 kilo. Isa para sa min, isa para sa nanay ko, isa para sa mother-in-law ko.

Dapat talaga kasama parati sa isip at puso ang mga in-laws dahil take note. NANAY, TATAY, at mga KAPATID mo na rin sila! Wag ideny! Mahirap sa una na pakisamahan ang mga in laws, kasi hindi mo naman talaga sila kakilala noong mag boypren pa kayo, pero maiin-love karin sa kanila. Dapat lang talaga ay magmahalan kayong lahat.

Isa pang mahalagang importanteng tandaan sa pag-aasawa, expect the unexpected! Ang ibang nag-aasawa kasi, idealistic masyado. Akala mo maganda lahat, etc etc etc. HINDE NO! SAAN KA NAKAKITA NG MAG-ASAWANG PARATING MASAYA? Kahit sa pelikula problemado eh. Syempre hindi naman all the time happy happy kayo at magkasundo diba. May mga darating talagang times na mag-aaway kayo at gusto mo nang ibalik sa mga magulang nya yung asawa mo, pero tanggapin mo sya, magkaintindihan kayo dahil unang una, wala naman expiration date ang marriage contract. Pangalawa, noong inasawa mo sya alam mo nang ganyan ang ugali nyan, kaya tanggapin mo na.

Abuloy sa Patay, NAWALA!

Namatayan yung isang officemate ko last year. Regular practice na dito ang mag-kolekta ng abuloy para sa mga na R.I.P.-han na empleyado kaya ang ginawa namin, naglabas kami ng memo at ipina-route sa buong kompanya. Marami naman nag-abuloy. Sa katunayan nga ang pinakamalaking abuloy nakuha namin mula sa Regulatory Group eh. Congratulations sa kanila. Naka-ipon kami ng malaki laki rin na amount. Mga tatlong libo.

Itinago ko ito sa drawer ko. May susi naman yon. Naka lock.

Pagpasok ko kinabukasan, nakita ko, yupi yung drawer. Pagtingin ko sa notebook na pinagtaguan ko ng pera, wala na sila!

MAY NAGNAKAW NG PERANG PAMPATAY!

THE NERVE!

OH MY GOD!

GOODNESS GRACIOUS GREAT BALLS OF FIRE!

Iilan tao lang kami sa opisina. Ang boss ko, ako, ang isang kasama ko, ang utility namin, ang alaga ng boss ko, at yung namatayan na syempre, naka leave noon.

Ibig sabihin, iisa lang sa amin ang kumuha nung pera. Una sa lahat, hindi kami nung isang kasama ko yun, kasi marami naman akong pera at hindi ko kailangan yung para sa patay. Multuhin pa kami. Nakakita nako ng multo dati. Hindi ito kanais-nais na pangyayari. (Ang mga kwentong kakatakutan ko nasa Philippine Ghost Stories yung iba --- kala nyo dito lang ako nag susulat ha. May published works na ako). Hindi naman siguro yung boss ko. Mayaman na yun. Aanhin nya yung tatlong libo lang, para sa namayapa pa. Hindi naman siguro yung utility namin. Kahit hindi sila ganoon kayaman eh hindi naman sila ganoon kahirap. Hindi naman siguro yun kinuha nung patay????

.....OH MY GOD. BAKA NGA KINUHA NUNG PATAY!

Wednesday, February 18, 2009

From Jombagan to Travelling to Reklamations

Akala ko dito lang sa Pilipinas nangyayari ang mga jombagan extravaganza. Pati sa America pala.

Mantakin mo, binugbog daw ni Chris Brown si Rihanna?

Ano? Hindi ninyo sila kakilala? Si Rihanna yung nagkanta nung Umbrella na ginawang tagalog version na "Payong, payong, payong, eh eh eh" ni Miss Ganda (na hindi kagandahan). Sabi nila nambababae daw si Chris Brown kaya sila nag away, at ang away, nauwi sa bugbugan. Syempre, garabyado yung babae. Eh babae yun eh.

Bakit ba kasi ang ibang lalake nambubugbog?

May kakilala nga ako, minsan nakita ko sya puno ng bugbog ang mga braso. Nung minsan naman daw eh tinali sya. Mantakin mo kung anong hirap yung dinanas nun. Nagtataka ako kung bakit hindi maiwan iwan yung asawa nya. Eh may trabaho naman sya. Alam ninyo kung ano ang ginawa ko bilang ganti? Noong nakita ko yung asawa nya nag dirty finger ako sa kanya. Bwiset na lalake yon. Sana kunin na ni Lord o ni Satanas. Jack and Poy nalang sila. Kung sino ang talo sa kanya na yung asawa nya.

Pinagtatakhan ko pa, bakit wala pa kong nababalitaan na babaeng nambugbog ng asawa? Lalake lang ba ang marunong mag boxing? Hindi naman ah. Si Judy Ann marunong. Ganon din si Iza Calzado. Sabagay, hindi pa naman kasal si Juday at Ryan. Baka si Ryan ang unang mababalitaan kong lalakeng nabugbog ng asawa.

Speaking of pambubugbog, bakit ba may mga tambay sa kanto na mahilig mambugbog ng kung sino sino? Hindi ba't hindi naman nila kakilala yung mga binubogbog nila? Padaanin ko kaya ang mga kaaway ko sa mga lasenggong yun? Sandali lang ha, itetext ko sila, sasabihin ko may birthday doon.

--- After 5 minutes ---

Ibang topic nalang tayo.

Bakit kaya ang daming foreign travel sa gobyerno? Ako nagta trabaho sa gobyerno pero ni minsan hindi pa ako nakapag foreign travel. Sabagay. Hindi rin naman ako pwede, at hindi rin naman ako sasama dahil alam ko na kung ano ang mangyayari. Staff lang ako. Hindi ako boss. Siguradong gagawin akong utusan. Lalo na kung pinaka low level ako sa delegation. Matuturingang foreign travel nga pero ni pakpak ng eroplano hindi mo mapapansin dahil sa dami ng inuutos sa yo. Atsaka baka mahilo ako sa kaka laptop.

Mahirap maglakad ng foreign travel ng mga boss. Maraming kailangang mga papeles. Nagtataka nga ako kung papano nakalipad yung mga PNP na may pitong milyon, samantalang dito sa amin pahirapan. Bago ka makalayas ang daming kailangan bago ka man lang ma issue han ng pambayad ng ticket - invitation letter (para may dahilan); approval ng boss (para may paalam); at itinerary of travel (para alam nila yung ginagawa mo). Tapos dun ka palang bibigyan ng allowance.

Pag-alis mo ng bansa, palagay ko hindi ka rin makakapag relax dahil lahat ng resibo na matatanggap mo mula sa mga cashier iipunin mo para hindi ka ma deduct.

Bago kapa sumakay iipunin mo na yung mga resibo ng terminal fee, at iba pang pre departure na gastusin. Pati yung ticket mo ipaka-tago tago mo dahil hahantingin ka ng COA. Pati mga taxi nga hihingan mo ng resibo eh. Buti nga sa ibang bansa may resibo ang taxi. Dito syempre ayaw nilang mag resibo. Dagdag gastos daw.

Sabagay, mga pilipino naman talaga reklamador.

Mantakin mo, si Barack Obama nga ni hindi nya kakilala yung mga beterano pero binibigyan ng pera. Hindi ako sigurado kung magkano yung binibigay pero gusto ko narin maging beterano. Mukhang malaki eh. Kaya lang syempre, dahil reklamador ang mga pinoy, hindi pa iyon sapat. Dapat kung patay na yung beterano, kamag-anak nalang ang meron. Sabi ko nga dito eh, kapag binibigyan ka ng pera na hindi mo inaasahan dapat masaya ka na. Magpamisa ka. Hindi naman kasi napupulot ang pera. Pati nga si Bayani, pansin ko ayaw na ayaw ng maraming pinoy, pero kung iisipin mo ng mabuti eh, ginagawa lang naman nya ang trabaho nya. Mahirap lang talagang disiplinahin ang pinoy. Ngayon tuloy nag kulay pink ang maynila. Pati nga mga sidewalk dun may linya na eh. Hindi ata alam ng ibang Manilenyo kung hanggang saan sila dapat maglakad para hindi mabundol ng Bus.

Dapat ata ganon din sa kanto namin. Umiinit ang ulo ko sa tuwing dumadaan ako doon kasi bubundulin mo nalang sila hindi pa sila umiilag. 2 lanes na daan naging 1 lane nalang halos kasi puno ng mga pedestrians ang daan. Parang naglalakad pa sa ilalim ng buwan ang karamihan sa kanila. Binubusinahan ko na pero wala paring kiyeme. Wa kebs. Bungguin ko nalang kaya sila?

Tuesday, February 17, 2009

Pagpapaliit ng Tiyan: Post Partum

Isa sa mga pinaka malalaking challenges pagkatapos ng panganganak, bukod sa pagaalaga sa baby ay ang pagpapa payat.

Tama ang nabasa ninyo.

Pagpapa payat!

Masaya naman ako sa buhay ko at kasya ko ang mga luma kong pantalon na binili ko noong 2003 pa. Ibig sabihin eh, mukhang talagang pumayat na nga ako. Mula sa pagkakaroon ng malaking malaking tiyan at malapad na balakang, ibig sabihin eh medyo bumabalik na sa normal ang katawan ko...

EXCEPT for one thing...

ANG AKING TIYAN!

Ang hirap nitong paliitin talaga. Gusto ko man mag exercise ay hindi pwede. Hindi dahil tamad ako, at hindi dahil wala akong panahon. Bawal kasi. Sabi ni doc bawal dahil na caesarian ako.

Sumasayaw sayaw naman ako habang kinakarga ko yung baby ko, nakaka burn ako ng mangilan ngilang calories at layers ng taba sa kakasayaw. Kung minsan nga eh sinasayawan ko yung anak ko dahil tawa sya ng tawa pag sumasayaw ako sa harap niya. Pero kahit ano'ng gawin ko eh hindi talaga bumabalik sa dating flat na tiyan ang tiyan ko.


Hay nako, kung alam lang ng mga lalake kung ano ang pinagdadaanan ng mga babae.

Biruin mo.

Mabubuntis ka, manganganak ka, tapos pag hindi ka pumayat, hindi ka na pagnanasahan ng asawa mo. Pero paano ka papayat eh wala ka naman panahon mag exercise at hindi pwedeng hindi ka kumain dahil nagaalaga ka ng baby + may trabaho ka pang dapat pasukan?

HAY LIFE!

Buti nalang yung asawa ko hindi ganoon at may pagnanasa pa sa kin kahit malaki parin ang tiyan ko. Parang adik sa alak.

Gosh. Gosh. Whatever!

Nanood ako ng Luna Mystika kagabi kasama ang diega namin (diega - noun 1. Household helper; 2. Kasambahay; 3. Longkatuts; 4. Katulong; 5.Atchay; 6. Maid) habang ako ay naghuhugas ng mga bote ng anak ko. Napansin ko na ang mga kontrabida sa Luna Mystika ay mga kulay brown at green na engkanto na ang lider ay si Eagle Riggs sa unang hirit.

Alam ko, mga kontrabida sila. At iisa lang ang layunin nila: SAKUPIN ANG MUNDO. Pero nabigla ako noong sabihin ni Engkantong Eagle Riggs na ang layunin nila ay LIPULIN ANG MUNDO.

Hindi ba at engkanto sila?

Kung nalipol ang mundo, saan sila titira?

May puno ba sa planetang mars?

Bakit ba lahat ng kontrabida sa halos lahat ng napanood kong cartoons at pelikula ay gustong lipulin ang mundo? Ano ba ang nandirito at gustong gusto nilang sirain? Mabuti pa ang mga alien. Ayaw nilang sirain ang mundo. Gusto lang nilang sakupin. Sabi nga ni Stephen Hawking, yung genius physicist na parang robot ang boses, ayaw day nya ang mga alien dahil sasakupin nila ang mundo. Nagtataka nga daw sya kung bakit pilit nagpapapansin ang mga taga-NASA sa mga taga ibang planeta. Hala kayooooo, pag na diskubre ng mga alien na nandito nga pala tayo, baka sakupin nila ang mundo.

Back to the topic.

Ang dami ko nang napanood na gustong sumakop sa mundo. Ang pinaka paborito ko nga sa kanila ay sina Pinky and the Brain. Mga daga sila. Pinag eksperimentuhan kaya tumalino. Every episode nalang ng show nila sinusubukan nilang sakupin ang mundo.

At sino pa ba ang hindi katanggap tanggap na gustong sumakop sa mundo?

Si Puma Lear. (Tama ba ang spelling?) Buum shigi shigi makam shigi uwaaaa.

Buti nalang nandyan si Dennis Trillo.

Ako, ayaw ko namang sakupin ang mundo. Pweden a sa akin ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Ok na yun. O kaya sakupin ko nalang si Oprah. Mas mayaman pa sya sa Bangko Sentral hindi ba.

Monday, February 16, 2009

Pera pera pera

Eternal problem ang kawalan ng pera. Wala pa yata akong nakilalang tao sa mundo na walang problema sa pera. Nakakasakit ng ulo. Nakakadagdag ng iniisip. Kung minsan nga, kapag naaalala ko na may utang pala ako sa bangko e bigla akong na de-depress. Parang pakiramdam ko kasi eh, napakahirap bayaran. Isipin mo, pag nag college na ang anak ko eh doon palang matatapos ang mga kautangan na yan. Hindi ko talaga alam kung maiiyak ako o matatawa.

Naiisip ko tuloy, sana eh parang noong unang panahon parin ang buhay natin ngayon. Yun bang kung gusto mo nang lupa eh basta bigla ka nalang sumakop ng kung saang gusto mo. Kung pwede lang sana ano. O kaya sana eh naging isda nalang ako para wala akong problema sa pera. Tingnan mo si Nemo, masaya kahit wala silang pera. Libri pa ang school ni Nemo, may service pang balyena.

Haaaaayyyy. Hindi ko na nga alam kung paano ko daragdagan ang kita ko eh. Pagbutihan ko kaya ang pagsusulat para malay mo isang araw ay ma-publish ang mga sinulat ko at gawing libro at bumentang parang katulad kay Bob Ong? Ano kaya? Paano kung magtayo ako ng fishball stand? Kung bumili ako kaya ng Franchise? Letche. Baka hindi kumita. Wala naman akong limang milyon para pondohan ang isang branch ng Jollibee. At kung meron man, saan ko ito ilalagay? Puno na ng Jollibee ang Angeles City? Meron na rin sa Guagua kung saan ako nagmula. Hay nako.

Patuloy na sumasakit ang ulo ko.

Habang nag fe-friendster ako para malibang, napadaan ako sa pahina ng dati kong kaklase. Nakita ko yung pinatayo nilang bahay sa isang subdivision na pang-mayaman. Dalawa ang palapag. Judging from the photo, mukhang mahigit 700 SQMs ang total area at moderno pa ang design. Mas magandang di hamak kesa dun sa bahay ng taga-Bureau of Immigration na nakatira sa lugar namin. Masaya ako para sa kaibigan ko, ngunit nalungkot ako para sa sarili ko. Isipin mo, beinte siete anyos palang siya, kasing edad ko lang, pero may bahay na syang ganoon kalaki. At higit sa lahat, sa palagay ko, fully paid na iyon. Bakit kaya ang yaman ng ibang tao?

Tumaya kaya ako sa lotto?

Tatama ba ako kung tataya ako?

Hindi siguro.

Magpatayo kaya ako ng lotto outlet?

Makakalusot ba ako sa PCSO kung gagawin ko ito?

At higit sa lahat, may pondo ba?

SYEMPRE WALA!

Wednesday, February 11, 2009

My Kylie

Here's a video of my pretty little three month old daughter, Kylie:


Monday, February 9, 2009

Silent Hill Origins: Ang Bagong Kabaliwan

Alam ko matagal na itong game na ito. Noong 2007 pa yata, pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong laruin ang game na ito. Syempre nilalaro ko lang kapag natutulog ang unica hija ko. Save nga ako ng save kasi baka anytime magising yung baby, syempre tama na muna yung paglalaro ko.

Anyway, the game revolves around this trucker named Travis Grady. Etong Travis na ito, hindi ko sigurado kung ano at bakit siya ang bida sa Silent Hill na ito. Nalaro ko na lahat ng Silent Hill (Except Silent Hill 2 kasi mas maganda yung graphics nung Silent Hill 3) pero hindi parin clear sa akin ang stories nila at kung ano at kung bakit ganoon at ganyan ang Silent Hill.

Anyway ulit, malapit ko nang matapos ang Silent Hill Origins (Silent Hill 5). Siguro nakaka 6 hours of gameplay pa lang ako pero 1 puzzle away nalang ako sa final boss, which is good kumpara sa 8+ hours of gameplay ko doon sa first Silent Hill game. Doon sa SH 3 naman siguro mga 5 hours lang at puro Katana lang ang gamit ko. Walang guns. Dito sa SH na ito mahirap mag melee weapons lang, sasagpangin ka ng kalaban. Sabagay pwede mo rin naman sugurin ang mga kalaban mula sa likuran. Tirahin sa pwet kumbaga, pero dapat naka energy drink yung bida. Ang sama lang eh, dahil hindi Red bull ang iniinom nya, agad nawawala ang bisa at pabagal bagal nanaman sya sa pagtakbo after a few minutes of running. Hahaha.

Dahil excited ang lola ninyo, tumingin tingin din ako sa youtube ng mga endings nya. Tatlo lang pala ang endings nito, na wala akong balak kunin lahat dahil nga nakita ko na rin naman sa youtube ang mga ito.

Magpopost pa rin sana ako ng mga screen shots ng SH Origins dito kaya lang medyo mabagal ang internet.

Gamer talaga ako. Pero gusto kong nilalaro yung mga tipong aatakihin ka sa puso pagkatapos ng ilang minutong paglalaro. Fan ako ng Resident Evil Series, Silent Hill Series, at Fatal Frame Series. Gusto ko rin yung Galatians atsaka Parasite Eve, pero wala pang bagong ganun.

Monday, February 2, 2009

My Beautiful Daughter

After my several posts complaining about not going into labor yet, I finally went into labor on November 13, 2008.

Presenting Elyse Kylene "Kylie"


 
Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina

brought to you by AllBlogTools.com Blogger templates