Hindi ko alam kung bakit ba nag sign up ako for twitter (dahil siguro uso sa mga artistang amerikano?) pero nag sign up ako. Ano ba ang point nito? Pwede kang mag update sa mga kaibigan mo, kung ano ang ginagawa mo sa moment na yon. Hindi naman ako artista para magbalita kung ano ang mga ginagawa ko, pero ginagawa ko parin ito kasi baka sakaling may maawa sa akin at mag reply o mag "follow" man lamang. 2 palang nga ang followers ko eh, yung isa naawa pa sa akin kaya nya ko ginawang friend. Well at least diba. Kesa naman sa walang friends. Mahirap ang walang friends.
Hindi kasing super bongga ng twitter ang facebook o friendster, hindi ka pwede mag upload nang sangkaterbang letrato, pero pwede kang magbigay ng update. Sa palagay ko nga magagamit ito sa trabaho namin eh. Kesa sa harapin mo yung kausap mo o tawagin sa telepono, pwede nalang niyang basahin ang twitter page mo para tingnan kung ginagawa o natapos mo na ba yung pinapagawa nya sa yo. Pwedeng pwede itong gamitin ng boss ko para i-monitor ang mga memos for the mancom, excom at board na ipinagagawa nya sa marketing, customer service, corplan at sa tourism namin. Ang kailangan lang nyang gawin ay basahin ang mga twitter page ng account officers at voila, alam na nya ang status.
Pwede rin syang gumawa ng twitter page nya para doon mag report nang kung ano ano sa mga boss nya o kahit kanino.
Ang ganda diba? HANEP! May screenshot ako dito (batambata pa ako sa letrato kong yan)
Feeling ko talaga sikat na sikat na ako dahil sa twitter. Biruin nyo, nag rereply ako sa mga "tweets" ng mga artista sa hollywood. Kahit hindi nila ako pinapansin at least nakiki-saw saw ako sa mga ipino post nila. Alam ko nakakahiya, lalo na may letrato pa akong naka-upload sa twitter page ko, pero KEBS! Feeling ko sikat ako.
Thursday, April 23, 2009
Meron akong Twitter
Labels:
twitter
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment