Ang hirap talaga ng bagong panganak. Alam nyo, lahat nalang ng masalubong ko sinasabi tumaba ako. Siguro dapat na akong magpapayat. Plano ko nga i-post ang weight ko dito weekly eh. Challenge kumbaga.
Kahit saan kasi ako pumunta puro, "tumaba ka", ang naririnig ko. Iba iba pa nga ang way nila ng pagsabi eh. May nag gegesture na pabilog sa mukha. May nagsasabi ng diretsong, "tumaba ka". May nagsasabing, "parang tumaba ka yata."
Gusto kong sabihin sa kanilang lahat, "Patawarin nyo ko!"
Sabi nga ng boss ko sa Pilipinas lang daw ganyan. Sa America daw ni sa panaginip ng mga amerikano hindi nila sasabihin sa mukha mo na, "You look fat" o "you gained weight". Kasi nga masakit sa damdamin yong sabihan sa mukha mo ng ganun. Kasi naman hindi na kailangang sabihin ang obvious. Do not state the obvious ika nga.
May valid reasons naman ako kung bakit hindi pa ko pumapayat eh:1. Una sa lahat Caesarian ako, hindi daw ako pwedeng mag work out for at least one year sabi ng OB Gyne ko. Tinry ko ngang tumakbo pero sumasakit yung tahi ko. Syempre hindi na muna ako tatakbo diba.
2. Bawal din mag buhat.
3. Kapapanganak ko lang nung November. 5 buwan palang. Natural malaki pa ang tiyan ko.
Hay nako. Di bale, papayat din ako. Makikita nalang nila bongga na ako, pero baka next year pa liliit yung tiyan ko dahil hindi naman ako pwedeng mag sit ups. Yung tahi ko baka mapunit punit. Ibang gastos nanaman yon.

0 comments:
Post a Comment